Latest News

MPD Chief Dizon: Walang serial killer sa Maynila — Dizon

Itinanggi ni Manila Police District (MPD) Director PBGen. Andre Dizon na may gumagalang serial killer na basta na lamang namamaril sa Tondo, Maynila.

Sinabi ni Dizon na “fake news” ang kumakalat na video at impormasyon patungkol sa ‘serial killer.’

“Ito po ay patungkol sa kumakalat na video o kaya mga viral sa ating social media na impormasyon patungkol po dun sa serial killer sa Balut, Tondo. Ito po ay isang fake news na hindi dapat sakyan, hindi dapat i-share. Ang totoo po nito may dalawang shooting incident po doon sa lugar,”ayon kay Dizon.


Ipinaliwanag ni Dizon na isang insidente ito ng onsehan sa iligal na droga.

“Yung shooter ginagantihan niya po yung mga dati niyang kasamahan.dagdag pa ni Dizon.

Samantala, sinabayan ni Dizon ng babala na ang kakambal ng droga ay kamatayan. (Baby Cuevas)


Tags: Manila Police District (MPD) Director PBGen. Andre Dizon

You May Also Like

Most Read