Latest News

MPD Chief PBGen. Andre Dizon shows his courtesy resignation letter to the media. (JERRY S. TAN)

MPD CHIEF DIZON, KUMASA SA PANAWAGANG COURTESY RESIGNATION

Isinumite na ni Manila Police District (MPD) chief PBGen. Andre Dizon ang kanyang courtesy resignation bilang tugon sa panawagan ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, kasabay ng panawagan sa iba pang sakop ng apela na gawin din ito.

Ayon kay Dizon ,ilang matataas na opisyal ng MPD ang nagsumite na rin ng kanilang resignation.

“Ako pa lang ngayong umaga at may mga nagsumite na rin po na member ng MPD na third level officers ,” ayon kay Dizon.


Naniniwala si Dizon na ang panawagan ni Abalos ay isang paraan para malinis ang PNP at patunayan na hindi lahat ng police officials ay sangkot sa iligal na droga.

“Ito po ay malaya nating binubuksan ang aking sa sarili sa imbestigasyon, screening, o assessment,”dagdag ni Dizon.


Sinabi pa ni Dizon na ang nabanggit na hakbang ay hindi tagumpay ng mga sangkot sa iligal na droga kundi para paigtingin pa ang operasyon para sila ay maaresto.

Una nang naghain ng courtesy resignation si PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr.at ang kanyang buong commamd bilang tugon sa panawagan ni Abalos. (JERRY S. TAN)


Tags: Manila Police District (MPD) chief PBGen. Andre Dizon

You May Also Like

Most Read