NAKA -ALERTO ngayon laban sa anumang rally ang hanay ng Manila Police District (MPD) kasunod ng ginawang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Napag-alaman na ang nagbabantay na pulis- Maynila sa Mendiola ay normal lamang umano.
Ayon kay MPD Director Arnold Thomas Ibay, regular lamang ang ginawang pagtatalaga ng kanilang puwersa sa Mendiola.
“It is a regular deployment for our CDM (Civil Disturbance Management) personnel,” ani Ibay.
Samantala, ala 1:15 ng hapon nang inihayag ng MPD- Public Information Office (PIO) na tahimik at walang nagaganap na rally sa Mendiola.