Isang rider ang patay nang sumalpok ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang kotse sa Pasig City kahapon.
Ang biktima ay nakilala lang na si Romeo Flores, na binawian ng buhay bunsod nang tinamong pinsala sa kanyang ulo at katawan.
Hindi naman kaagad nakuha ang pagkakakilanlan ng suspek na maaaring maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide sa piskalya.
Batay sa ulat ng Pasig City Police, dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa Amang Rodriguez Avenue sa Brgy. Dela Paz, Pasig City.
Sa kuha ng CCTV sa lugar, makikita ang kotse na lumiliko patawid sa kabilang linya ng Amang Rodriguez Avenue habang papadating naman ang motorsiklo ng biktima.
Gayunman, bago pa man nagawang makatawid ng kotse ay bumangga na dito ang motorsiklo ng biktima.
Sa lakas ng impact nang pagkakabangga, tumilapon sa ere ang biktima bago muling tumama sa windshield ng sasakyan, na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.