MOTORCYLE RIDER, NAG-COUNTERFLOW, PATAY SA NAKASALUBONG NA TRAK

By: Baby Cuevas

Namatay noon din ang isang motorcycle rider na nag-counterflow sa Sampaloc, Manila nitong Huwebes ng madaling araw, matapos mabangga ng nakasalubong na trailer truck.

Dead- on- arrival sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Adelo Aton, ng Maria Clara St., 7th Avenue, Caloocan City dahil sa tinamong mga sugat sa ulo at katawan habang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang truck driver na si alyas ‘Gene,’ 29, ng Tondo, Manila.


Sa ulat ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), dakong alas-1:20 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa northbound lane ng NLEX Connector Road, malapit sa Loyola Exit, sa Sampaloc.

Minamaneho umano ni Gene ang isang Isuzu Giga trailer truck na may plate number na RJM 973 sa northbound lane ng NLEX Connector Road, habang nagka-counterflow naman sa lugar si Aton, na lulan ng isang Keeway motorcycle na may plate number na 659 PFG, mula sa España Toll Exit.

Nang magkasalubong sila malapit sa Loyola Toll Exit, nabangga umano ng motorsiklo ang kaliwang bahagi ng trailer truck.


Dahil sa tindi ng impact ng aksidente, sumemplang ang motorsiklo at pumailalim sa truck habang nahulog ang rider na agarang binawian ng buhay.


Tags: Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU)

You May Also Like