MOTORCYCLE MECHANIC BINARIL SA ULO, PATAY

By: Baby Cuevas

NASAWI ang isang ‘motorcycle mechanic’ matapos barilin sa ulo ng isang di pa nakikilalang suspek habang nagkukumpuni ito ng kanyang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Bldg. 3, Permanent Housing, Brgy. 128 sa Tondo, Maynila.

Napag-alaman kay Manila Police District -homicide section chief PCapt. Dennis Turla na ang biktima ay si Jed Justine Arao,36, ng Bldg. 3 Extension Permanent Housing Brgy. 128 Tondo, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon, naganap umano ang insidente alas- 11:05 ng gabi nang dumating ang suspek sa lugar kung saan ang biktima ay nagkukumpuni ng kanyang motorsiklo./


Agad itong na bumunot ng baril at pinaputukan ang biktima sa ulo at nang makitang napuruhan ay mabilis na tumakas ang suspek sa hindi tukoy na direksiyon.

Ang biktima a naisugod sa Tondo Medical Center pero hindi na ito naisalba pa ng mga doktor.

Samantala, nagsasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad para maaresto ang suspek.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read