Nakatakda nang resolbahin ng Department of Justice(DOJ) ang mosyon ng suspendidong Bureau of Corrections (BuCor) director general Gerald Bantag na ma -inhibit ang prosecution panel na humahawak sa kanyang kasong murder.
Ayon kay Prosecutor General Benedicto Malcontento, isusumite na sa resolusyon ang inihaing mosyon ng abogado ni Bantag.
Una nang iginiit ng abogado ni Bantag na si Atty Rocky Balisong na isa itong mataas na opisyal kaya nasa hurisdiksyon ng Ombudsman ang kaso nito at hindi sa DOJ.
Si Bantag ay inakusahan mastermind sa pagpaslang sa broadcaster na si
Percival fMabasa noong Oktubre 3 at person deprived of liberty (PDL) Cristito Villamor Palana, kilalang si Jun Villamor, na sinasabing middleman sa pagpaslang kay Mabasa.
Napag-alaman na si Bantag ay nagsumite ng kanyang reply sa comments noong Disyembre 26, 2022 at sa sandaling magsumite na ng rejoinder ang complainant bilang tugon sa reply ni Bantag ay isusumite na ang ang mosyon para resolusyon. (Arsenio Tan)














