Dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation -Bicol Regional Office (NBI-BRO) ang itinuturing na ‘most wanted’ na kriminal sa Bicol sa ginanap na operasyon sa Canlubang, Laguna.
Ayon sa NBI, ang suspek na si Ruel Cabrillas ay miyembro ng ‘Gilbert Concepcion group’ na nasa likod ng pagpaslang sa may 30 police assets sa libon,Albay.
Gayundin, si Cabrillas ay responsable diumano sa pagpaslang sa magkapatid na Gilbert at Glen Quinzon noong Hunyo 6, 2021 na narekober lamang ang bangkay noong Hunyo 2022.
Bukod pa rito ang pagpugot ng ulo at pagtataga sa magkapatid na Nwin at Marlon Ansay.
Matatandaan na noong Nobyembre 14,2021 ay napatay ng pinagsanib na tauhan ng NBI-Naga District Office at NBI-Cavite District Office, PNP, AFP at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang dalawang miyembro ng criminal group na sina Emmanuel “Aga” Concepcion, kapatid ni Gilbert at Jeffrey Saysay sa Trias , Cavite.
Sinampahan ng kaso ng NBI-BRO ng Special Complex Crime of Kidnapping with Murder si Gilbert Concepcion, Cabrillas,Boboy Maranonalyas Vince at alyas ‘Bay’ at noong Enero 18 ay nagpalabas ng arrest warrant ang Ligao RTC para sa kasong kidnapping with murder laban kay Cabrillas.
Napag-alaman na nakatanggap ng impormasyon ang NBI na si Cabrillas ay maaring matagpuan sa Canlubang, Laguna.
Nitong Enero 29,nagtungo ang NBI sa lugar para isilb nang arrest warrant kay Cabrillas.