“I always do our work as if the whole world will stop and see its results ” ani PNP-PRO5 Regional Director PBGen Jonnel C Estomo matapos na madakip ng kanyang ang No.2 Regional Most Wanted Person na may kasong 28 counts ng qualified rape.
Isang law enforcement operation ang ikinasa ni Camarines Norte Police Provincial Office, Director PCol. Julius Guadamor para dakpin si Jonathan Pante Brizuela, 39 ng Sitio Tabadjak, Brgy San Jose, Jose Panganiban, Camarines Norte.
Una rito, isang intelligence gathering ang ginagawa ng mga tauhan ni Col Guadamor bago inilatag ang gagawing pag-aresto ng PNP-Camarines Norte-Jose Panganiban MPS (lead unit), katuwang ang mga operatiba ng CIDG-CNPFU, 1st CNPMFC, 2nd CNPMFC, CNPIU, RIU5-PIT CN, RIU5-PIT Catanduanes at HPG-CNPHPT.
Armado ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rene Morallo Dela Cruz, Presiding Judge ng RTC Branch 5, 5th Judicial Region, Daet, Camarines Norte ang mga operaiba nang sinalakay nila ang pinagtataguan ng suspek na walang piyansang nirekomenda.
Sa record ng pulis, ginawa umanong sex slave ng suspek ang kanyang menor de edad na anak na itinago sa pangalang CHARLOTTE (not her real name), mula taong 2018 hanggang 2021 .
Natigil lamang umano ang ginagawang pang-aabuso sa bata nang magsumbong na ito sa kanyang ina.
“The winding days of injustice to the victim has finally folded. May this serve as a beacon of hope to those victims who are still waiting for their justice to be served. Nonetheless, pls find comfort with the fact that PNP –PRO5 is exhausting all resources to protect its people ” ani Gen Estomo matapos na wakasan ng kanyang mga tauhan ang limang taong pag-iwas sa batas ng suspek. (VICTOR BALDEMOR)