MOST WANTED NA DATING ARMY, HULI MATAPOS ANG 10 TAONG PAGTATAGO

By: Victor Baldemor Ruiz

NAGWAKAS ang sampung taong pagtatago ng isang dating kasapi ng Philippine Army nang masakote ito sa inilunsad na law enforcement operation ng Philippine National police sa Antipolo City.

Walang piyansang inirerekomenda ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng naarestong alyas “Joel” na natunton ng mga awtoridad sa Boso-Boso sa Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal kamakalawa.


Si alyas Joel na itinuturing na isa sa Regional Level Most Wanted Persons ng CALABARZON ay naaresto ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Rizal Provincial Field Unit kasama ang 404th Company ng Regional Mobile Force Battalion 4A .

Siya ay wanted dahil sa kasong murder kung saan walang piyansang inirekomenda ang korte.

Batay sa ulat na natanggap ng CIDG, naganap ang insidente noong December 25, 2013 sa gitna ng inuman sa bahay ni Joel kung saan nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng anak ni Joel na si “Noah” at ng biktima.


Nabatid na nakialam ang suspek sa away ng dalawa at napatay nito ang biktima.


Tags: PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)

You May Also Like