Moratorium sa agrarian reform beneficiaries’ payments, nilagdaan ni PBBM

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.,ang isang- taong moratorium sa annual amortization at interest payments ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs).

Ayon sa Department of Agrarian Reform (DAR), ang executive order ay bilang paghahanda sa pagtupad sa “commitment” ng administrasyong Marcos na ipinasa naman ng Kongreso para maging batas kung saan iku- “condone”ang mga loan na may hindi nabayarang amortization at interes.


“We always think about the farmers’ welfare. The one-year moratorium and condonation of farmers’ loan payments will lead to the freedom of farmers from debts,”ani DAR Secretary Conrado Estrella III.

Layunin umano nito na matulungan ang ARB sa kanilang mga utang para magamit nila ang pera upang mai-develop ang kanilang mga farms.

Una nang pinag-usapan sa cabinet meetings noong nakalipas na buwan ang mga hakbang para matulungan ang mga ARBs.


Kabilang na dito ang “condonation” sa pagbabayad ng amortization fees at interes sa mga loans at pagbibigay ng legal na tulong sa mga sigalot sa lupain. (Arsenio Tan)


Tags: Jr., Pangulong Ferdinand Marcos

You May Also Like

Latest News