Moral discernment, panawagan ng Obispo sa mga opisyal ng pamahalaan

By: Carl Angelo

Umaasa ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na mas palawakin ng mga lider ng bayan ang pagninilay sa kanilang pamamahala sa bayan.

Ayon kay CBCP Office on Stewardship Chairman, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo mahalagang magkaroon ng discernment ang mga opisyal ng lipunan upang maiwasan ang anumang katiwalian.


Nangangamba si Bishop Pabillo sa ipinasang Maharlika Investment Fund na maaring maging ugat ng katiwalian.

“Makikita natin ito sa kaso ng Maharlika Fund. Inaprubahan ba ito upang makatulong sa kaunlaran ng bayan o para may makuha na pondo ang mga namumuno na hindi dumadaan sa checks and balances ng pamahalaan. Baka ang Maharlika Fund ay maging gatasan naman ng mga opisyales,” bahagi ng mensahe ni Bishop Pabillo.

Iginiit ng obispo na makapagninilay lamang ang mga opisyal ng bayan kung makatotohanan ang kanilang hangarin para sa ikauunlad ng nasasakupang mamamayan.


July 18 nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.ang Maharlika Investmend Fund Law na layong pataasin ang investment capital ng bansa na makatutulong mapalago ang ekonomiya at makapaglilikha ng mas maraming trabaho para sa bawat Pilipio.

Nanawagan din sa pamahalaan si Bishop Pabillo na tutukan ang pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura sa bansa.


Hindi kumbinsido si Bishop Pabillo sa ipinagmalaki ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ikalawang State of the Nation Address ang naranasang pag-unlad sa sektor ng agrikultura.

Iginiit ni Bishop Pabillo ang kakulangan ng pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda.


Ayon sa Obispo, hindi puro pangako kundi konkretong programa ang kailangan ng mga magsasaka at mangingisda upang maibsan ang nararanasang kahirapan.

“kaya hindi lang sana mga pangako ay dapat tupadin, ano ba ang mga concrete steps kasi kami dito sa palawan na agricultural wala naman kaming masyadong nakikitang mga programa na makatulong sa mga poor farmers”.paglilinaw ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Iminungkahi naman ng Obispo ang pagkakaroon rin ng pamahalaan ng mga crop insurance initiatives dahil madalas na nararanasan ng Pilipinas ang magkakasunod na bagyo.



Ito ay upang makabili o mapalitan agad ng mga magsasaka ang mga pananim o produktong nasira ng kalamidad.

Tags: Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo

You May Also Like