Monkeypox cases, ‘di pwede gamutin sa bahay – PHAPI

Hindi umano maaring gamutin sa bahay ang isang pasyente pinaghihinalaang may monkeyppx.

Ito ang inihayag ni Dr. Jose Rene De Grano,presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPI).


“Hindi po puwedeng sa bahay iyan pagka talaga pong suspect [monkeypox case] po ng monkeypox ay kailangang i-isolate siya sa isang area,” ani De Grano.

“Kung talagang monkeypox ‘yan, kung maaari, huwag munang iano sa bahay at baka mas dumami po,” dagdag ni De Grano.

Ang pahayag ay ginawa ni De Grano matapos na mabatid na may unang kaso na ng monkeypox sa bansa na dumating noong Hulyo 19.


Sinabi ni DOH Undersecretary Dr. Beverly Ho na ang pasyente ay nanggaling sa bansa na may monkeypox at nasuri noong Hulyo 28 lamang.

“The case has been discharged well and is undergoing strict isolation and monitoring at home,” ani Ho, at mayroon umano itong 10 close contacts bagamat hindi kinakitaan ng sintomas.


Sinabi pa ni De Grano na marami pang isolation areas sa mga ospital na maaring paglagyan.

“Pero ‘pag ganitong klase na — medyo bago kasi ito — gusto nating matiyak na talagang monkeypox ba talaga ito and then kailangang i-isolate natin nang sa gayun ay maibigay natin ang proper treatment,” dagdag ni De Grano.


Sinabi ni De Grano na dahil walang available na treatment sa monkeypox ,ito ay gagamutin alinsunod sa kanyang sintomas. (Philip Reyes)

Tags: Inc. (PHAPI), Private Hospitals Association of the Philippines

You May Also Like

Most Read