Latest News

MOIRA NAPILING FIRST ENDORSER NG MARIA CLARA SANGRIA

By: Beth Gelena

SI ‘hugot’ singer-songwriter Moira dela Torre ang napiling first brand ambassador ng Maria Clara Sangria – ang leading sangria brand sa Pilipinas.
Siya rin ang nag -compose ng “Maria Clara,” isang full-length song na bagong jingle ng naturang brand.
Ipinahiram din niya ang kanyang tinig upang makapagkalat ng positibong mensahe ng self-love, ano man ang sitwasyon.
Sinasabi ng “Maria Clara” sa lahat na kung minsan, okay lang na hindi maging okay, ngunit hindi kailangang magmadali at siguradong lahat ay magiging maayos.
Humanized ang leading brand sa pamamagitan ng “Maria Clara” at dito makikita na isang steady companion ang produkto at isa rin itong mabuting kaibigan sa panahon ng pangangailangan.
“It’s basically a friend for all seasons. And so, ‘Maria Clara’ is a reminder of where you’ve been and where you’re going and who you are as a woman,” paliwanag ni Moira.
 Dagdag pa ng magaling na singer,  mas gusto muna niyang mag-focus sa epekto ng Maria Clara sa buhay ng mga tao.
 “It’s been a friend. It’s helped ease loneliness, it has helped people cope, It has helped people celebrate,” paliwanag ni Moira.
At ngayon, maaari nang i-enjoy ang milestones ng buhay ng walang alcohol kasama ang Maria Clara Virgin, na akma sa mensahe ni Moira na maging totoo sa ating mga sarili.
Pakinggan at mag-enjoy sa lyrics at melody ng “Maria Clara” na sinulat ni Moira, habang umiinom ng Maria Clara Sangria o Maria Clara Virgin.
 Mapapakinggan ang “Maria Clara” ni Moira sa Spotify. Mabibili ang Maria Clara Sangria at Maria Clara Virgin sa lahat ng major retail outlets.
For more details sa Maria Clara Sangria at Maria Clara Virgin Sangria and news updates on Moira, sundan ang Maria Clara Sangria sa Facebook, Instagram and TikTok sa @mariaclarasangria.ph.
Tags: Moira dela Torre

You May Also Like

Most Read