Latest News

MOIRA NALI-LINK KAY DANIEL PADILLA

By: Beth Gelena

ANG singer na si Moira dela Torre naman ang inili-link kay Daniel Padilla.

May usap-usapan ngayon na si Moira umano ang tinuturong third party sa hiwalayan ng Kathniel.

Pero ayon sa source ni Ogie Diaz, imposible daw ‘yun na mangyari.


Sa Showbiz Update, sinabing naloloka umano ang fans sa pagdawit ng name ng singer sa hiwalayan ng Kathniel.

“Ang nakakaloka nito hindi ko kinakaya ang mga fans, bakit niyo naman inili-link si Daniel kay Moira?”
‘Sa pagkakaalam ko lang ha, nag-collab lang ‘yung dalawa sa ‘Gusto kitang isayaw nang mabagal,” say ni Ogie sa kanilang YT Chanell.


Giit ni Ogie, magkaibigan daw sina Moira, Daniel at Kathryn.


Tags: Daniel Padilla, Moira dela Torre

You May Also Like

Most Read