By: Tony Gildo
Pormal na nilagdaan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at National Maritime Polytechnic (NMP) ang Memorandum of Agreement para sa pagpapatupad ng libreng Updating Course on Basic Training – Personal Safety and Social Responsibilities (UBT-PSSR) para sa mga pinoy Seafarers.
Ang kasunduang ito ay isang mahalagang hakbang upang mailapit sa National Capital Region ang dekalidad na maritime training na dati ay kinakailangang puntahan pa sa Tacloban.
Layunin din nitong mabigyan ang mas maraming Filipino seafarers ng libre at mas madaling access sa mahahalagang pagsasanay para sa kanilang karera.
Palalakasin din umano nito ang kapakanan, kakayahan at employability ng ating mga OFW, habang patuloy na pinalalawak ng OWWA ang mga oportunidad para sa upskilling at lifelong learning.
Sa tulong ng National Maritime Polytechnic at MARINA, mas maraming marino umano ang magkakaroon ng pagkakataong mapanatili ang kanilang mga sertipikasyon, makasunod sa pandaigdigang pamantayan.
Ang OWWA regional welfare office NCR ay patuloy na magsisilbing sentro ng mga training, welfare at capability-building programs para sa mga marino at kanilang pamilya.














