MMM star McGregor, lalahok sa presidential race sa Ireland

Inihayag ng mixed martial arts (MMA) star at dating kampeon ng UFC na si Conor McGregor ang kanyang intensyon na tumakbo para sa pagkapangulo ng Ireland at nangakong hahamunin ang paninindigan ng gobyerno ukol sa EU Migration Pact at itinataguyod ang isang pampublikong reperendum sa isyu.

Sa pahayag sa Instagram, idineklara ni McGregor ang kanyang pagtutol sa migration agreement, na dapat na ganap na ipatupad ng Ireland sa Hunyo 12, 2026.


Pinuna niya ang mga opisyal ng gobyerno sa pagsuporta sa kasunduan at nangakong ibibigay sa mga mamamayan ang pinal na desisyon.

“Who else will stand up to (to the ) government and oppose this bill? Any other presidential candidate they attempt to put forward will be of no resistance to them. I will!”

“For clarity also, as President, I would put forth this bill to referendum,” ani McGregor said.


“Kahit na lubos kong sinasalungat ang kasunduan na ito, hindi akin o desisyon ng gobyerno ang gawin. Ito ang pinili ng mga tao ng Ireland! Lagi! Iyan ay isang tunay na demokrasya!”

Kinuwestiyon ni McGregor kung bakit ang mga opisyal ng gobyerno ay “sumasang-ayon” sa kasunduan sabay ng panawagan ng mga debate na susundan ng public vote.


Ayon pa kanya, ang kanyang anunsyo ay paghamon sa political establishment bago ang presidential election sa Ireland na katakda sa Nob. 11, 2025.

Ang EU Migration Pact ay naglalayong baguhin ang mga patakaran ng asylum at migration sa buong bloc, na nangangailangan ng mga miyembrong estado na magpasa ng kinakailangang batas sa loob ng ibinigay na takdang panahon.


Tags: Conor McGregor

You May Also Like