Latest News

MMDA: Expanded number coding scheme, suspendido sa Lunes, Nobyembre 27

By: Carl Angelo

Inianunsiyo kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido muna ang pagpapatuapd ng expanded number coding scheme sa Lunes, Nobyembre 27.

Ito’y kasunod na rin nang paglilipat ng Bonifacio Day sa Nobyembre 27, mula sa orihinal nitong petsa na Nobyembre 30, alinsunod sa Proclamation No. 90.

“Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Lunes, Nobyembre 27. Inilipat ang Bonifacio Day sa Nobyembre 27, 2023, mula sa orihinal nitong petsa, Nobyembre 30, alinsunod sa Proclamation No. 90,” abiso pa ng MMDA.

Kasunod nito, nagpaalala rin ang MMDA sa mga motorist ana maging maingat sa pagmamaneho at palagiang sumunod sda mga batas-trapiko.

“Saan man ang destinasyon, laging tandaan: planuhin ang biyahe, sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho,” anang MMDA.

Tags:

You May Also Like

Most Read