Latest News

Miyembro ng Toto Drug Group at Ferrer Criminal Gang, arestado

Arestado ng mga elemento ng Manila Police District-DSOU ang isang aktibong miyembro ng Toto Drug Group at Ferrer Criminal.gang sa isinagawqng operasyon,kamakalawa ng gabi sa may Parola Compound,Tondo,Maynila.

Nakumpiska sa suspek na si Joel Lopez,nasa hustong edad at taga No. 866, Area A, Gate 3, Tondo, Maynila ang isang .38 kalibreng baril.

Nabatid na alas-11 ng gabi nang maaresto ang suspek sa may Area A, Gate 3, Parola Compound , Tondo.


Ayon kay PMaj Rommel Purisima ng MPD-DSOU nagsasagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation(SACLEO) nang maaresto ang suspek pagkatanggap ng impormasyon ng pulisya na si Lopez ay miyembro ng Ferrer Criminal Gang at Toto Drug group.

Nang kapkapan ay nakuha sa suspek ang isang baril.

Sinampahan ng kasong paglabag sa R.A 10591 o illegal possession of firearms ang suspek sa Manila Prosecutors Office (MPO). (Carl Angelo)


Tags: Manila Police District-DSOU

You May Also Like

Most Read