Latest News

MIYEMBRO NG SPARU UNIT SA MASBATE, NAGBALIK-LOOB SA GOBYERNO

Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City — ISANG aktibong miyembro ng communist New Peoples Army hit squad ang nangarap ng pagbabagong buhay kaya nagpasyang sumuko sa mga operatiba ng PNP Police Regional Office 5 kapulisan katuwang ang Philippine Army sa Placer MPS, Brgy. Poblacion, Placer, Masbate.

Ang nagbalik loob na rebelde ay isang 29 anyos na lalaki. Ito ay itinago sa pangalang “Ka Kris”. Isa itong aktibong miyembro ng Sparu unit, Platoon 2, Larangan 1, Komiteng Probinsya 4 (KP4), Bicol Regional Party Committee (BRPC) sa ilalim ng Jose Rapsing Command (JRC).


Inamin nito na siya ay kasama sa ilang opensibang aksyon ng samahan laban sa gobyerno, businessman at iba pang taong may mataas ng katungkulan sa lipunan.

Edad disi syete anyos at taong 2009 umano sya naging parte ng NPA. Tumayo ito bilang vice triggerman ng sparu unit ng kumand ni “KA DADS” or “KA PINOY”.

At ngayon, siya ay namulat na sa katotohanan at nagkaroon ng lakas ng loob na tuluyan ng talikuran ang samahan.


Nasa kustodiya ng PNP-PRO5 ang rebel returnee para sumailalim sa debriefing. Siya rin ay mapapabilang sa mga benepisyaryo ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: PNP-Police Regional Office 5

You May Also Like