Naaresto kamakalawa ng umaga sa Escolta,Sta.Cruz, Maynila.ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang diumano ay miyembro ng sindikatong sangkot sa P1.8 bilyong shabu na tangkang ipinuslit sa Port of Manila noong 2019.
Nalaman kay PLtCol Rosalino Ibay,station commander ng Manila Police District-Police Station 1 ,na ang suspek na si Brian Pabilona ,38, ng San Juan City, ay naaresto bandang alas-10 ng umaga, habang naglalakad sa Centenial Building sa Escolta sa Sta.Cruz, Maynila.
Si Pabilona ay may arrest warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court Branch 13 at walang inirekomendang piyansa ang korte.para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Magugunita na nasabat ng mga awtoridad ng Bureau of Custom (BOC) ang isang 40-footer container van na naglalaman ng 300 kilong hinihinalang shabu na nakasilid sa mga sako.
Una na umanong naireport na ang laman ng container van ay naka-consign sa Wheat Lotus Empire Corporation na idineklarang mga plastic resin.
Gayunman, nang suriin ng mga tauhan ng PDEA at BOC ay lumilitaw na iligal na droga.
Ayon kay Ibay , patuloy ang ginagawa nilang follow-up operation laban sa iba pang sangkot na miyembro ng sindikato na patuloy pang nakakalaya. (Jerry s. Tan)