Patay ang isang miyembro gang matapos na limang ulit na barilin ng hindi nakikilalang gunman habang naglalakad, kamakalawa ng madaling araw sa may Pier 2, Gate 10,Parola Compound,Tondo,Maynila.
Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC), ang biktimang si Mark Ryan Pellingon, ng 250 Gate 10,Parola Compound,Tondo, dahil sa tama ng bala sa iba’t -ibang bahagi ng katawan.
Sa imbestigasyon ni PSSg John Paul Rojong Manila Police District-homicide section,naganap ang insidente alas-3 ng madaling araw sa nabanggit na.lugar.
Naglalakad umano ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang pagbabarilin ng suspek.
Inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa iligal na droga ang pagpaslang sa suspek at dinala.ang kanyang bangkay sa funeral homes para sa awtopsiya. (Philip Reyes)