MISTULANG Abel at Cain, ang kontrobersyal na biblical parricide case, ang naganap nang patayin ng nakababatang kapatid ang kanyang kuya sa bayan ng Anilao, Iloilo sa ulat ng pulis nitong nakalipas na linggo.
Ayon sa Anilao Municipal Police Station agad na nasawi ang isang lalaki matapos umanong tagain sa leeg ng kanyang nakababatang kapatid
Sa kapakanan ng pamilya ay naki-usap na huwang ng ilantad ang pangalan ng 41 anyos na lalaking residente ng Barangay Palaypay sa Anilao na pinatay ng kanyang nakababatang kapatid.
Ayon sa imbestigasyon, nag-iinuman sa tindahan ang suspek kasama ang kaibigan nito nang biglang dumating ang biktima, na noo’y lasing.
Sinasabing nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid na nauwi sa away kung saan ay pinagbantaan umano ng biktima ang nakababatang kapatid
Dahil dito, naunang umuwi ang suspek para kumuha ng itak at inabangan ang kanyang kuya, at saka pinagtataga, ayon sa pulisya.
Nagawa pang itakbo sa ospital ang biktima pero idineklara ring dead on arrival ng attending physician.
Napag-alamang may dati nang alitan ang magkapatid, kung saan minartilyo umano ng biktima ang suspek sa mukha habang natutulog ito. Hawak ng pulisya ang suspek matapos na agad ding sumuko. Inaalam pa ang desisyon ng pamilya kung maghahain sila ng kaso laban sa nakapatay ng kapatid. (VICTOR BALDEMOR)