MISTER, PINATAY SA SAKSAK DAHIL SA UTANG

By: Philip Reyes

ISANG lalaking naniningil sa utang ang pinatay sa saksak sa Rodriguez, Rizal kamakalawa ng mismong may utang sa kanya.

Ang biktima ay kinilalang si Manuel del Socorro habang ang mga suspek, na kinilala lang na sina alyas ‘Jojo’ at alyas ‘Jomar’ ay dinakip ng pulisya.


Ayon sa initial report ng Rodriguez Municipal Police Station, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa tahanan ni alyas ‘Jojo,’ sa Evangelista St., Phase 1A, Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, sa Rodriguez.

Nagtungo umano ng biktima upang singilin si ‘Jojo’ sa utang nito pero imbes na magbayad ay nagalit pa umano ito, kasabay ng pananakot na maglalabas ito ng baril.

Nagkaroon ng pagtatalo hanggang saksakin ng suspek ang biktima nang ilang ulit, gamit ang screwdriver.


Sa halip na umawat ay tumulong pa umano si alyas ‘Jomar’ nang suntukin nito ang biktima.

Agad na tumakas ang mga suspek at iniwang duguan ang biktima.


Nagawang dalin sa pagamutan ang biktima pero nasawi rin ito.


Tags: Manuel del Socorro

You May Also Like