NAGSANIB-PUWERSA ang organizers ng Mister Grand Philipplnes at Mrs. Philippines 2023 na ipakilala sa press ang male and female pageant candidates last September 18 sa Whitewoods Convention and Leisure Hotel, Silang, Cavite.

May 37 male participants at 21 female na lahat ay single moms ang rumampa sa harap ng media.
Sa nasabing competition ay tatlo ang napiling Darling of the Press sa Mister Grand — John Gindap, Muntinlupa City; Jonathan Bashan Mendoza, Tagaytay at Prince Jomar Rosario, Pangasinan.

Pumili rin ng limang Mister Philippines ang sponsor ng male pageant para sa special award at pitong special awardees ang director ng organizer.
Angat naman sa competition ang representative mula sa Mindoro dahil siya ang napiling ilaban para sa Tourism Globe.
MRS. PHILIPPINES CORONATION NIGHT SA SEPT. 23 SA MANILA HOTEL
Samantala, ang Mrs. Muntinlupa naman ang napiling Darling of the Press para sa Mrs. Philippines, ang first-ever pageant ng bansa.
Magaganap ang coronation night ng Mrs. Philippines sa Manila Hotel sa September 23.