MISSING CESSNA PLANE, NATAGPUAN NA; 6 NA SAKAY, PATAY LAHAT

KUMPIRMADONG patay lahat ang anim na sakay ng nawawalang Cessna Plane matapos na matagpuan ng composite search and rescue team ang wreckage ng nasabing single engine plane na nawawala mula pa noong Enero 24, 2023

“The missing Cessna has just been found. “ pahayag ng Isabela Provincial Disaster Risk Reduction Management Office kahapon sa isang bulubunduking barangay sa Isabela ayon kay Attorney Constante “Watu” Foronda, head ng Isabela PDRRMO sa ginanap na pulong balitaan.

Sa inisyal na impormasyon ay sinabing wasak na wasak ang eroplano na natagpuang nakasabit pa sa mga puno at gilid ng bundok ang wreckage .


Ayon kay Engineer Ezikiel G Chavez ng local Office of Civil Defens, natagpuan na rin umano ang labi ng mga pasahero.

Tatangkain umanong ibaba ang mga bangkay sa pamamagitan ng Philippine Air Force choppers kung maganda ang panahon o kaya ay ibababa ng mano mano hanggang madalala sa Maconacon at ililipad ng eroplano patungong Cauayan para madala sa isang funeral parlor para sa kinakailangang pagpo- proseso ng PNP SOCO bago ihatid sa kani-kanilang mga pamilya.

May report na isa sa mga pasahero ang napugutan ng ulo sa lakas ng impact habang nagkalat naman ang mga gamit sa lugar na binagsakan ng Cessna plane.

Nakatakda ring magtungo ngayon sa Isabela ang probe team ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) matapos na matanggap nila ang impormasyon na natagpuan na ang nawawalang Cessna plane sa Isabela.


Ayon sa CAAP, nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine Aeronautical Rescue Coordinating Center (PARCC) hinggil sa iba pang detalye kaugnay sa naturang aircraft na idineklarang missing mula pa noong January 24,2023 matapos na hindi na ito makontak matapos ang kalahating oras mula ng lumipad ito mula sa Cauayan airport. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags: Isabela Provincial Disaster Risk Reduction Management Office

You May Also Like

Most Read