After three years ay muling nag-daos ng Miss Mandaluyong sa Mandaluyong City.
Huling nagkaroon ng Miss Mandaluyong ay noong 2020 kung saan ang winner that year ay ang pamangkin ng former PBA player na si Vergel Meneses na si Veronica Meneses.
Bale tatlong taon na hinawakan ni Ron ang korona dahil nahinto ang pageant dahil sa COVID pandemic.
Ngayong back to normal na ulit, last February 6 ay 21 candidates ang ipinakilala sa stage.
\Bawat barangay ng Mandaluyong ay may representative para sa naturang beauty contest.
Ang waging Miss Mandaluyong 2024 ay si Alliana Queennie Habana ng Bgy. Buayang Bato, na nag-uwi siya ng P200K; 1st runner up naman si Tamara Rose Caballero, ng Bgy. Hagdan Bato Itaas, with P100K cash price; 2nd runner up si Mikaela Rozel Bayani, ng Bgy. Namayan at nag-uwi ng P75K cash prize; habang parehong may P5OK ang third at fourth placer na sina Franchesca Audrey Cristobal ng Bgy. San Jose at Mary Bennette Macandili ng Bgy. Vergara.
Ang Miss Mandaluyong 2024 na si Queennie ay isang law student sa UP at siya ang kakatawan sa Mandaluyong City para sa Bb. Pilipinas-Universe.
Pero marami ang na-sad dahil ang kinaaaliwang Miss Bilbiling Mandaluyong ay stop daw muna sa ngayon.