HINILING ng Ilocos Sur Provincial Police Office na isailalim sa medico legal examination ang isang 37-anyos na misis na natagpuang bangkay , duguan at walang saplot pang ibaba sa bayan ng San Vicente ng lalawigan ito kamakalawa ng gabi.
Ito ay upang malamang ang tunay na sanhi ng kamatayan ng biktima at kung alamin kung hinalay ba ito bago pinaslang ng hindi pa nakikilalang salarin.
Nabatid na kagagaling lamang ng kanyang mister sa trabaho at nabigla na lang siya pagdating niya ng bahay nang makitang duguan ang kanyang misis, may saksak sa leeg at walang suot na damit pang-ibaba.
Sinubukan pa niyang isalba ang buhay ng misis subalit idineklara itong dead-on-arrival ng attending doctor sa pinagdalahang pagamutan.
Samantala, isang 49- anyos na ginang din ang pinagbabaril at napatay habang nagluluto ng tanghalian, ng hindi nakikilalang gunman nitong Sabado, sa Sitio Gitna, Barangay Ilayang Nangka, sa lungsod ng Tayabas, Quezon.














