MINIMUM WAGE SA CAR, ITINAAS NA RIN

ITINAAS na rin ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board – CAR ang minimum wage sa Cordillera Administrative Region makaraang aprubahan ang P50-P60 dagdag-sahod ng mga manggagawa sa rehiyon, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa inilabas ng wage order, ibibigay ng dalawang tranches ang dagdag sahod sa rehiyon. Unang itataas ang sahod ng P30-P40 sa oras na maging epektibo ang kautusan at ang nalalabing P20 sa Enero 1, 2023.

Sa oras na maipatupad lahat ito, aakyat ang minimum wage sa rehiyon mula P350 sa Baguio, Tabuk, Benguet sa P400 at sa isang lugar sa rehiyon mula P340 patungo sa P400.


Inaprubahan rin ng Board ang dagdag-sahod sa mga domestic workers o kasambahay. Para sa mga chartered citiees at 1st class municipalities, daragdagan ng P500 ang kanilang P4,000 na buwanang sahod para maging P4,500; habang sa ibang lugar ay dadagdagan ang P3,000 sahod ng P1,500 para maging P4,500 na rin.

Isinumite na ang Wage Order sa National Wages and Productivity Commission nitong Lunes ng hapon para sa kaukulang pagsusuri at magiging epektibo may P15 araw makaraang mailathala ito sa mga pahayagan na may general circulation. (Anthony Quindoy)

Tags: Department of Labor and Employment (DOLE)

You May Also Like

Most Read