Suspendido ang number coding sa buong Metro Manila ngayong Biyernes, Pebrero 9, bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Chinese New Year.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ito ay habang deklaradong special holiday naman ng Malacañang ang araw na ito hanggang Sabado sa bisa na rin ng Proclamation No. 453.
Ang Chinese New Year ngayong taon ay natapat sa araw ng Sabado, Pebrero 10 subalit idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang araw ng Pebrero 9 bilang special non-working day sa bansa para sa selebrasyon ng naturang holiday kung saan inaasahang dadagsain ng milyong katao ang area ng Manila Chinatown.
Pinapurihan naman ng malaking grupo ng mga mangangalakal, at Filipino Chinese businessmen ang visionary move ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagdedeklara nf February 9, 2024 na isang Special Non-Working Holiday in Celebration of Chinese Lunar New Year.
Ang turismo, isang mahalagang sektor at may malawak na potensyal para sa paglago ng ekonomiya, at may malaking pakinabang. Sa pamamagitan ng pagpoposisyon sa Pilipinas bilang isang destinasyon para sa pagdiriwang ng Chinese Lunar New Year.
Inaasahang mag-aambag ito sa pagpapalago ng turismo , aakit ng mga turista na lilikha ng trabaho, mga promosyon sa pamumuhunan at kaunlaran ng ekonomiya ayon pa sa grupo ng mga negosyante.
Bukod dito, ang pagkilala sa Chinese Lunar New Year bilang isang opisyal na pambansang holiday ay sumisimbolo sa pangako ng Pilipinas na pagkakaisa s alikod ng magkakaibang kultura, idinagdag ng Chinoy business group.
Ang deklarasyon ay positibo rin na sumasalamin sa iba pang mga bansang Asyano tulad ng Korea, Vietnam at iba pa na nagdiriwang din ng pagdiriwang na ito bilang kanilang pinakamahalagang holiday, kaya pinalalakas ang pagkakaisa at pagtutulungan ng rehiyon.