Latest News

MILYONG HALAGA NG PUSLIT NA SIGARILYO NABULGAR, TRUCK NA GINAMIT SUMALPOK

By: Victor Baldemor Ruiz

NABULGAR ang tangkang pagpupuslit ng kahon-kahong sigarilyo sa Davao City nang masangkot sa aksidente ang truck na pinagkargahan ng multi-million halaga ng smuggled cigarettes sa Brgy Panacan, Davao City.

Kasalukuyang pinaghahanap ngayon ng Davao City PNP ang driver ng nasabing 10-wheeler truck na may lulan na mga puslit na sigarilyo matapos maaksidente at bumangga sa center island na ikinasira pa ng traffic lights bandang alas- 9:30 kamakalawa ng gabi.


Ayon kay Police Captain Hazel Tuazon, spokesperson ng DCPO, kasalukuyan na nilang tinutunton ang may-ari ng dump truck na may kargang 30 kahon ng smuggled na sigarilyo, maging ang driver nito na inulat na tumilapon din sa lakas ng impact ng nasabing sasakyan.

Bukod sa kargang smuggled cigarettes ay mahaharap din ang driver at may-ari ng trak sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property at paglabag sa Republic Act 4712 o An Act Amending Certain Sections of Tariff and Customs Code of the Philippines.

Hawak na ngayon ng Bureau of Customs (BOC) ang mga nasabing kontrabando matapos na itinurn-over sa kanila ng Sasa Police Station.


Tags: Bureau of Customs (BOC)

You May Also Like