Milyong pisong halaga ng electronic products, nasabat ng CIDG

By: Victor Baldemor Ruiz

Nakumpiska ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nasa P43-M halaga ng electronic products sa isinagawang raid sa Sterling Industrial Park, Barangay Libtong, Meycauayan City, Bulacan.

Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Acting Director Police Brigadier General Nicolas Torre III, isinagawa ang operasyon matapos makakuha ng search warrant mula sa Regional Trial Court ng Capas, Tarlac dahil sa paglabag sa Consumer Act of the Philippines.

Umaabot sa mahigit 3,000 smart TV units na iba’t- ibang brands, kasama ang mga TV parts, monitors at iba pang electronic gadgets na nagkakahalaga ng mahigit P43-M ang nasamsam sa sinalakay na bodega.


Kinilala ang isa sa apat na naarestong suspek na si Chi Ho, may-ari ng Hot Screen Electric Corporation.

Mahaharap ang apat sa kasong violation of Consumer Act of the Philippines dahil sa paggawa at pagbebenta ng mga produktong hindi sumusunod sa kalidad at pamantayang ayon sa batas.

Tags: Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)

You May Also Like

Most Read