Latest News

MILYON MILYONG HALAGA NG PUSLIT NA SIGARILYO NASABAT NG ADUANA

By: Victor Baldemor Ruiz

TINATAYANG milyong piso ang halaga ng mga hinihinalang puslit na sigarilyo ang nasabat sa ikinasang joint operation ng Bureau of Custom , Philippine Coast Guard sa pakikipagtulungan ng Japan Tobacco International Philippines sa Batangas City .

Nasa 231 na master cases at 391 na reams ng mga hindi dokumentadong sigarilyo ang nadiskubre sa sinalakay na bodega sa Barangay Cuta, sa Batangas City.

Sa ulat ikinasa ang anti smuggling operation sa pakikipag tulungan ng Japan Tobacco International Philippines at ng Philippine Coast Guard K9 Field Operating Unit- Southern Tagalog sa Aduna .


Matapos matanggap ng Bureau of Customs ang report , kaagad namang nagbigay ng seguridad ang Philippine Coast Guard sa mga tauhan ng Bureau of Customs at nagsagawa ito ng Paneling inspection sa naturang lugar.

Ang operasyon na ay isinagawa sa bisa ng authorization at mission order na inilabas ng tanggapan ni BOC Bienvenido Rubio laban sa may-ari ng warehouse.

Agad na ipinag utos ni Comm Rubio na magsagawa rin ng inventory ang sa mga nadiskubreng ibat-ibang uri ng sigarilyo.

Ayon sa BOC, mayroon lamang 15 days ang may ari ng warehouse upang ipakita nito ang mga kinakailangan na dokumentado upang mapatunayan na bayad ang mga kinakailangang taxes ng mga nadiskubreng sigarilyo at huwag maharap sa kasong criminal.


Tags: Bureau of Custom

You May Also Like

Most Read