MILITARY OFFICERS, NTF- ELCAC, DISMAYADO SA DESISYON NG KORTE SA CPP-NPA

IKINALULUNGKOT ng ilang mataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippine (AFP) at maging ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang naging pasya ng Manila Regional Trial Court na nagbabasura sa petisyon ng estado na ituring na isang terrorist group ang Communist Party of the Philippine at ang armadong galamay nitong New People’s Army.

Hindi muna naglabas ng kanilang opisyal na pahayag ang AFP hinggil sa 135 pages resolution na ibinaba ni Manila RTC Branch 19 Judge Marlo Magdoza-Malagar na nagsasabing ang CPP-NPA ay hindi itinatag sa layuning maghasik ng terorismo.


Lumilitaw na hindi umano maituturing na terorismo ang rebelyon at political act kaya hindi kinatigan ang inihaing petisyon ng gobyerno na ituring ang CPP-NPA bilang isang terrorist organizations.

Ayon kay AFP Spokesman… wala pa akong comment dahil wala pa kaming nakitang kopya ng resolusyon,… e ganun naman yan e diba. Wala pa umanong nakikitang kopya ang military kaya hindi sila makapagbigay ng komento; “ wala, wala pa sa ngayon so its inappropriate to make a comment, “ ani Col Medel pinuno ng AFP-CRS

Hindi naman maitago ni NTF-ELCAC Executive Director, Ret General Emanuel Salamat ang pagka dismaya sa nasabing desisyon bagamat kanila umanong iginagalang ang desisyon ng korte.


“siyempre malungkot dahil there is such decision being circulated or made by a court, decision that runs counter to the decision of, earlier of the president, and decision of even, stand of the other international community making a strong stand against CPP-NPA as a foreign terrorist group, organization” ani Gen Salamat

Hindi umano lumitaw ang tunay na kulay ng CPP at National Democratic Front of the Philippine…. this CPP, the NDF ang NPA are employing dual tactics to deceive and radicalize our youth and labor sector and even women and other sector of the government to agitate and rebel against the government


Sabi pa ni Salamat may mga testament namang hawak ang gobyerno para patunayan ang ginagawang paghahasik ng CPP-NPA ng terorismo, karahasan at pagpatay ‘

“parang kasi ano, mababalewala yung mga paghihirap ng mga sundalo natin, ng mga frontliners natin dun sa field, mga heroes natin na nagbuwis ng buhay para ani Salamat.


Pero naniniwala ang mandirigmang opisyal , na hindi mapapahina ng inilabas na court decision ang ang ginawang pagsisikap ng kasundaluhan upang tuluyang wakasan ang panliligalig ng CPP-NPA .

Ang CPP-NPA ay nakalista bilang isang teroristang organisasyon sa iabng bansa gaya ng United States, European Union, United Kingdom, Australia, Canada, at New Zealand.

Sa pagsisikap na madeklara ang CPP-NPA bilang isang terrorist groups, ay naghain ang DOJ ng siyam na insidente na kinasasangkutan ng miyembro nito laban sa mga sibilyan (the DOJ cited nine incidents of killings, attempted killings and abduction from 2019 to 2020 in different areas in Agusan del Sur, Surigao del Sur, Bukidnon, Misamis Oriental and Cagayan de Oro City — all in Mindanao.)



Ayon sa korte ang siyam na pangyayaring inihain ng DOJ ay maikokonsiderang terorismo sa ilalim ng Human Security Act, subalit hindi naman direktang sabing kagaagwan ito ng CPP-NPA. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: National Task Force to End Local Communist Armed Conflict

You May Also Like