KINUMPIRMA noong Martes ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpanaw ni Secretary Susan “Toots” Ople sa edad na 61.
“Secretary Toots went peacefully to be with our Creator around 1PM today, August 22, 2023 surrounded by his family and loved ones,” ayon sa pahayag ni DMW spokesperson Toby Nebrida.
“We shall be releasing more details soon. For the meantime, we ask for prayers for the eternal repose of the soul of our dear Sec. Toots,” dagdag pa ni Nebrida.
Kinumpirma ito ng pamilya Ople at hindi tinukoy dahilan ng kanyang pagpanaw.
Itinatag niya ang Blas F. Ople Policy Center and Training Institute o ang Ople Center, isang nonprofit organization na nakatuon para tugunan ang mga problema ng overseas Filipino workers.
Ito ay ipinangalan niya bilang bilang parangal sa kanyang amang si Blas Ople na nagsilbi bilang Labor minister noong panahon ng administrasyon ng yumaong ama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Si Sec. Ople ang unang Pilipinong nagsilbi sa Board of Trustees ng United Nations Trust Fund para sa mga biktima ng human trafficking.
Siya ay nagtapos sa Unibersity of Santo Tomas at nag-aral sa Harvard Kennedy School.
Matatandaang noong 2019 ay sinabi ni Ople na mayroon siyang Stage 2 breast cancer at noong 2020 ay sumailalim siya sa operasyon para alisin ang tumor.
Noong Hulyo ay inanunsyo niya ang ang two-week wellness leave matapos ang pagpanaw ng kanyang dalawang nakatatandang kapatid na sina dating Hagonoy, Bulacan Mayor Felix “Toti” Ople at former journalist na si Blas Ople Jr. sa lung cancer.














