Latest News

Middleman, namatay umano sa plastic bag suffocation

Namatay umano sa “plastic bag suffocation”, ang umano’y middleman sa pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid at may nakitang methamphetamine residue sa ihi ni Jun Villamor.

Ito ang lumabas sa independent autopsy na isinagawa ni Forensic pathologist Dr. Raquel Fortun, kung saan lumalabas na ang bangkay ni Villamor ay nalaman na may “history of asphyxia by plastic bag suffocation” at “preliminary urine toxicology showed methamphetamine.”


Sa ginanap na virtual presscon, napag-alaman na ang katawan ni Villamor ay may “pulmonary congestion, edema, and hemorrhages.”

Lumabas rin sa autopsy ni Fortun na “no gross morphologic cause of death,” at ito ay namatay sa “asphyxia.”

Idinagdag pa ni Fortun na ang biktima ay nagpahayag ng pangamba sa kanyang buhay bago siya natagpuang walang malay.


Si Villamor ay namatay umano sa suffocation dahil sa tinakluban ang kanyang ulo ng plastic bag.

“Based on available information regarding the circumstances surrounding death, the manner is homicide,” ani Fortun.


Ibinahagi naman ng Department of Justice (DOJ) sa Twitter ang screenshots ng autopsy report ni Fortun.

Kinumpirma rin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hiniling niya kay Fortun na magsagawa ng panibagong autopsiya sa katawan ni Villamor base na rin sa kahilingan ng anak ni Lapid at ng kapatid nitong si Roy Mabasa.


Mahalaga din umano ang natuklasan sa ihi ni Villamor na nangangahulugan may shabu sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Tags: Forensic pathologist Dr. Raquel Fortun

You May Also Like