Si MIAA acting manager Bryan Co habang ipinaliliwanag ang naganap na power outage sa NAIA. (JERRY S. TAN)

MIAA ACTING MANAGER CO, NAG-SORRY, NAGPALIWANAG UKOL SA PAGKAWALA NG KURYENTE SA NAIA

By: Jerry S. Tan

Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Manila International Airport Authority o MIAA sa mga naabalang pasahero ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 3

Ito’y kasunod ng nangyaring aberya dulot ng power outage sa nasabing paliparan pasado alas-12 ng tanghali ng Hunyo 9 na tumagal ng mahigit isang oras.

Kaagad nagpulong ang mga opisyal ng MIAA hinggil sa naturang insidente upang tukuyin ang pinagmulan ng naturang aberya.


Sa isang pulong-balitaan sinabi ni MIAA Acting General Manager Bryan Co na nagsagawa ang ahensiya ng electrical audit sa roadway 1 at 2 ng nabanggit na terminal.

Ayon kay Co, pansamantalang isinara ang mga naturang roadway upang isailalim sa komprehensibong pagsusuri ng kanilang engineering department.


Gayunman, naiwan ang isang testing equipment sa naturang roadway na siyang nagdulot ng ‘short circuit’ na nag-resulta naman ng pagkawala ng kuryente.

Sa nangyaring insidente, pito aniya ang naapektuhang flight sa departure at arrival matapos ang power outage.


Ayon kay Co, nagkaroon lamang ng mabagal na usad ng mga pasahero sa immigration counter dahil nag- reboot ang mga computer matapos maibalik ang supply ng kuryente ng Meralco.

Tags: MIAA Acting General Manager Brian Co

You May Also Like

Most Read