Latest News

MGA WANTED AT DRUG PERSONALITIES, ARESTADO SA KABILA NG BAGYO

By: Victor Baldemor Ruiz

TIKLO ang 13 wanted personalities at apat na drug personalities kasunod ng ipinatupad na police operation ng Quezon Police Provincial Office (PPO) laban sa kriminalidad sa gitna ng paghahanda para sa bagyong Egay.

Ayon sa Provincial Director ng Quezon PPO na si PCOL Ledon D Monte, bagama’t nakaantabay ang buong pwersa ng Quezon PPO para sa maaring maging epekto ng bagyong “EgayPH ay naging puspusan din ang kampanya nito laban sa kriminalidad.

Ayon sa datos ng Quezon PNP Provincial Operations Management Unit (POMU), simula Hulyo 24-26, 2023, ay naaresto ng mga operatiba ng Quezon PPO ang 13 wanted persons na kung saan ang tatlo dito ay nakatala bilang Most Wanted Persons: isa sa Regional Level, isa sa Provincial Level, at isa sa Municipal Level.


Batay pa rin sa datos ng POMU, sa kaparehas na panahon ay apat naman na drug personalities ang naaresto Quezon PNP at nasamsam naman ang 10.99 na gramo ng shabu na may Dangerous Drug Board (DDB) Value na ?74,732.

Samantala, isang indibidwal naman ang naaresto dahil sa paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act matapos ipatupad ang isang Search Warrant sa lungsod ng Lucena.

Ayon kay PCOL Monte, sabado pa lamang ay nagbigay na siya ng direktiba sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa buong lalawigan na maghanda para sa nasabing bagyo at kasabay ng kanyang direktiba ay ang paalala na palakasin rin ang kampanya nito laban sa kriminalidad.

“Bagamat tayo ay abala sa kabila ng paghahanda para sa bagyong #EgayPH ay hindi ito na nangangahulugan na pababayaan natin ang ating kampanya laban sa kriminalidad. Bukod pa ang mga ito sa mga preventive measures na ipinatupad natin tulad ng mga patrolya at police presence para siguraduhin ang kaligtasan ng ating mga kababayan sa gitna ng bagyo,” ayon kay PCOL Monte.


Umaasa ang ilang mga mambabatas sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso na malaki ang maitutulong sa pagkakatalaga kay dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Andres Centino bilang Presidential Adviser on West Philippine Sea (WPS) para harapin ang mga hamon ng patuloy na pambu-bully ng China sa Pilipinas.

Tags: Quezon Police Provincial Office (PPO)

You May Also Like

Most Read