MAY posibilidad na mai-proklama na sa Mayo 15 (Linggo), ang mga nagwaging Senador sa natapos na halalan noong Mayo 9.
Ayon kay Commission on Election(Comelec) spokesman John Rex Laudiangco malamang na mauna na mai-proklama ang mga Senador bago ang mga nagwaging partylist.
“Ganoon naman talaga lagi,nauuna yung proklamasyon ng Senador kasi sa partylist dapat na.pumasok munang lahat ang boto at mabilang,”ayon kay Laudiangco.
Kaugnay nito,ayon kay Commissioner George Garcia, inaasahan nila na papasok nang lahat ang l certificates of canvass (COCs) nitong Biyernes.
Sa ngayon nasa 121 COCs na ang na-canvass mula sa 173 COCs.
“Hopefully kung sakaling na andiyan lahat iyon ngayon, ‘yung natitirang 52, baka makatapos tayo ng canvassing ngayon at kung nagkakaganun, hindi po siguro lalagpas ng Linggo makakapagproklama na tayo ng ating mga senador at siguro nga, kahit nga ‘yung party-list congressman po natin,” ani Garcia.
Sa pinakahuling partial, unofficial results from the Comelec transparency server, nanatiling nangunguna ang akyor na si Robin Padilla na nakakuha ng P26.45 milyon na sinundan ni Rep. Loren Legarda (Antique) na nakakuha ng 23.99 milyon boto at broadcaster Raffy Tulfo na nakakuha ng 23.17 milyon bito
Samantala,nangunguna naman sa partylist race ang ACT-CIS (Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support)- 5.76%, 1-Rider Partylist- 2.74%, Tingog- 2.42%, 4PS- 2.32%, Ako Bicol- 2.25% at Sagip- 2.14%. (Carl Angelo)














