Mga tsuper ng jeep, hinimok na bumuo ng kooperatiba

Hinimok ng Simbahang Katoliko ang mga jeepney drivers na nagsagawa ng ‘weeklong-transport strike’ simula noong Lunes hanggang Marso 2023 na bumuo ng kooperatiba bilang bahagi ng solusyon upang makasunod sila jeepney modernization.

Kasabay nito,nanawagan naman si Fr. Anton CT Pascual-executive director ng Caritas Manila at pangulo ng Radio Veritas sa pamahalaan na bigyan ng sapat na panahon o tulungan ng pamahalaan ang mga jeepney driver na magkaroon ng modern jeepney units.


Gayundin,hinikayat ng Pari ang mamamayan na makiisa, habaan ang pasensya at ipanalangin ang sektor ng transportasyon na makamit ang pagkakasundo.

Naniniwala si Fr.Pascual na nararapat i-plano nang maayos ang implementasyon ng transport modernization program ng gobyerno dahil ang transport sector ay hindi pa nakakabangon sa epekto ng pandemic at krisis sa ekonomiya sa bansa.

“Alam po natin ang mga driver ng jeep ang isa mga mahihirap sa ating bayan, lalu na ngayon panahon ng pandemic nakita po natin na namamalimos ang mga driver sa kalye, kaya’t ito pong modernization program ng gobyerno ay kailangang ma-plano ng maayos sapagkat milyon ang aabutin niyan at hindi kaya ng mga drivers yan,” ayon kay Fr.Pascual


Samantala, iginiit ni Fr.Pascual na nakahanda ang Caritas Manila na tulungan ang mga jeepney driver at operator na magtatag ng kooperatiba na silang mga miyembro ang mga may-ari at magpapatakbo.

Napag-alaman na binigyan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang mga operator ng hanggang Disyembre 31, 2023 upang makapagtayo ng kooperatiba na requirements ng ahensiya sa pagbibigay ng prangkisa. (Arsenio Tan)


Tags: Fr. Anton CT Pascual

You May Also Like