MGA TAUHAN NG PNP, INALERTO NGAYON YULETIDE SEASON

INALERTO ni Philippine National Police (PNP) chief General Rodolfo Azurin Jr. ang buong pwersa ng kapulisan na paghandaang mabuti ang nalalapit na Yuletide season.

Inihayag ni Azurin na kino-consolidate na nila ang kanilang unit sa ipatutupad na nationwide security and public safety operations particular ngayong papasok na Christmas Season.

Kailangan umanong paghandaan ito at dapat din na magsagawa na ng mga pagsasanay, dry-run ng operational protocol at simulation exercises ang lahat ng PNP units.


Layon nito, ani Azurin, na matiyak na plantsado ang kanilang security plans at makapagsagawa ng adjustments kung kinakailangan.

Samantala, nanawagan din si Azurin ng tulong mula sa publiko . mahalagang uman ang suporta na makukuha ang PNP mula sa publiko para maging matagumpay ang kanilang mga operasyon at matiyak na magiging mapayapa ang pagdiriwang ng Kapaskuhan.


Samantala, inulit ng heneral ang kanyang babala sa kapulisan na bawal na bawal ang mag solicit o humingi ng regalo ngayon panahon ng kapaskuhan.

Matagal na itong ipinagbabawal sa lahat ng mga kawani ng PNP dahil mahigpit ang pagpapatupad ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees alinsunod na rin sa mandato ng Civil Service Commission (CSC) paliwanag pa ng opisyal


Paalala ni Azurin sa sinumang mahuhuling tatanggap ng regalo at magsosolicit ay may kakaharaping administrative at criminal charges.

Sinabi pa nito na kahit ano pa mang rason o ito man ay for a cause ay wag na nilang tangkain pang mag-solicit at tumanggap ng regalo. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags: Philippine National Police (PNP) chief General Rodolfo Azurin Jr.

You May Also Like

Most Read