Latest News

Mga suplay para sa 2022 BSKE, hindi masasayang kahit maipagpalibang muli ang halalan — Comelec

Tiniyak ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) nitong Biyernes na hindi masasayang ang mga suplay na inilaan nila para sa 2022 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kahit pa matuloy ang panukalang muling ipagpaliban ang naturang halalan.

Ang pagtiyak ay ginawa ni acting Comelec Spokesperson Rex Laudiangco matapos na ilang panukala ang ihain sa Kongreso at Senado para sa postponement o pagpapaliban ng BSKE, na nakatakda sanang idaos sa Disyembre 5.

“Kung sakali man po, kami man ay nakapaghanda ng materyales, nakapag-imprenta ng balota, wala pong masasayang, kung sakalin man pong nandiyan na ang bagong batas na nagsasabing ipagpapaliban ang halalan,” ayon kay Laudiangco, sa panayam sa telebisyon.

Ipinaliwanag ni Laudiancgo na maaaring itago na lamang muna ng Comelec ang mga naturang suplay at gamitin ito kung kailan matutuloy ang bagong iskedyul ng eleksiyon.

Aniya pa, ganito rin ang kanilang ginawa nang maipagpaliban noon ang BSKE.

Tiniyak pa ni Laudiangco na kinikilala ng poll body ang kapangyarihan ng Kongreso na magpasa ng batas na magpapaliban sa naturang eleksiyon. (Anthony Quindoy)

Tags:

You May Also Like

Most Read