Latest News

MGA SUNDALONG ESCORT NG UNDP IN-AMBUSHED; DALAWA PATAY, 12 PA SUGATAN

By: Victor Baldemor Ruiz

DALAWANG tauhan ng Philippine Army ang nasawi habang may 12 iba pa ang nasugatan ng tambangan ng mga armadong kalalakihan na sinasabing sinuportahan ng ilang kasapi ng Moro Islamic Liberation Front habang nagbibigay ng seguridad sa mga tauhan ng United Nation Development Program sa sa Barangay Upper Cabengbeng, Sumisip, Basilan.

Base sa inisyal na imbestigasyon nangyari ang insidente nitong 5:10 ng hapon ng Enero 22 kung saan lulan ng kanilang KM 450 Military truck ang mga tauhan ng Army 23 Infantry Battalion para sunduin ang kinatawan ng United Nations Development Program (UNDP).

Ayon sa isang military source, patay ang dalawang kasapi ng 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army matapos ang naganap na pananambang ng mga lawless element na pinamumunuan umano nina Najal Buena at Oman Hajal Jalis na sinuportahan umano ng ilang kasapi ng MILF.


Dalawang kasapi rin umano ng lawless element group ang napasalang ng military habang kinukumpirma pa ang bilang ng sugatan sa mga kalaban.

The incident occurred while troops from the 32nd Infantry Battalion were providing security to United Nations Development Programme (UNDP) personnel engaged in a crucial peace and development project in Barangay Lower Cabengbeng, Sumisip, Basilan.

Sinasabing habang nasa daan ay biglang sumulpot ang mga armadong suspek at pinaulanan ng bala ang convoy ng mga sundalo . sinunog din ang isang KM450 Military truck ng mga suspek.

Agad na ipinag utos Army 101st Infantry Brigade ang pagtugis sa mga salarin kasabay ng pahayag na isolated case lamang ito at kontrolado ng militar at ng local government ang sitwasyon.


Mariin naming kinondena ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. ang pag-atake ng ilang tauhan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Basilan.

“I strongly condemn the attack in Basilan on Wednesday, January 22nd, which tragically resulted in the deaths of two soldiers and injuries to twelve others. This cowardly act was perpetrated by lawless armed men who intend to derail the peace process that Basilan is now starting to enjoy,” wika ni Sec. Galvez.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang kalihim sa mga naulilang pamilya ng mga sundalong nasawi.Kaakibat nito,nangako ang kalihim sa mabilis na pagkamit ng hustisya at pagpapanatili ng kapayapaan sa mga mamamayan ng nasabing probinsya.

“We also call on the leadership of the Moro Islamic Liberation Front to conduct its own investigation and help bring the perpetrators to justice. We are reassuring the people of Basilan of the government’s commitment to peace, justice, and security,” dagdag pa ng kalihim.


Tags: United Nations Development Program (UNDP)

You May Also Like

Most Read