BINIGYANG pagkilala ng Armed Forces of the Philippine-Civil Relation Service na pinamumunuan ni Brig. Gen. Arvin Lagamon ang ilang sugatang sundalo kahapon sa loob ng AFP Medical center sa Victorio Luna Medical Center sa Quezon City.
Bilang pagkilala sa katapangan at sakripisyo na inalay y para sa bayan ay nagsagawa ng hospital visit at gift giving sa lahat ng battle casualties ang mga tauhan ng AFP-CRS at AFP Radio Station DWDD sa pangunguna ng kanilang Serbisyong Bayani Program na pinangungunahan nina Nellie Salanguit-Ababon at Capt Alex Longboan.
Ayon kay Army Major Cenon C. Pancito III, pinuno ng AFP Media Civil Affair Group nakipag ugnayan sa kanila ang grupong Serbisyong Bayani para makatulong na maitaas ang moral ng mga sugatang sundalo na naka confine ngayon sa V Luna Hospital.
Pahayag naman ni Nellie Salanguit-Ababon ng Serbisyong Bayani , kahit sa pamamagitan ng mga munting regalo at pag-alam sa mga pangangailangan ng mga battle casualties ay maiparating sa mga sugatang sundalo na kinikilala ng sambayanan ang kanilang kabayanihan.
Layunin din ng grupo na makatulong sa mga sundalo na makabalik sa normal na pamaumuhay lalo na yung mga hindi na makakabalik pa sa serbisyo sanhi ng pinasalang tinamo nila sa digmaan.
Ang AFP-DWDD Katropa Radio Station at Serbisyong Bayani na nasa likod ng ibat ibang humanitarian at civic action programa ay binubuo nina Maj Pancito, Nellie Ababo, Cap Alex Longboan, Rachel Custodio, SSG Angelica Camomot S1JO Marissa Ogoc, AW1C Katherine Perido PFC Muphet Tizon, Pvt Spencer Ross, PVT Shaina Araneta at Pvt Princes Inrahim .
Pinapurihan naman ni Bgen Lagamon ang mga Katropa sap ag alala sa mga battle casualties ng AFP.