Balak ng Bureau of Correction (BuCor) na pabuksan ang lahat ng septic tanks sa New Bilibid Prison (NBP), hindi lamang dahil sa umaapaw at nangangamoy na kundi dahil na rin sa pinagputol-putol na bangkay at itinapon sa septic tank.
“Pagka nakakuha pa tayo ng ibang mga ano d’yan, buto-buto, mapipilitan akong ireview ‘yung sinasabi nila. May mga report dito kasi na missing o tumakas
Gusto ko kasi tapusin na ‘yang isyu ng mga septic tank, d’yan binabaon, ‘pag nagkamali d’yan nililibing, “ayon kay BuCor chief Gregorio Catapang.
“Ayoko na ang PDL, na kapag hindi sila nagkaintindihan, titirahin nila ‘yung kasamahan nila tapos ilalagay kung saan d’yan, tapos ide-declare naman na missing o nakatakas e ‘yun pala naibaon na, “dagdag ni Catapang.
Ayon kay Catapang, nakipag-ugnayan na siya sa National Bureau of Investigation (NBI) at UP forensics para sa paghuhukay ng panibagong septic tanks.
Sinabi ni Catapang na may mga ulat na may mga nakatakas na preso at kapag may nakuha pa silang mga buto sa septic tank ay mapapag-ugnay na kung ito ay iyong mga nawawala at sinasabing nakatakas.
Gusto rin ni Catapang na tapusin na ang isyu ng septic tanks dahil nababahala ang publiko na diyan inililibing ang mga nawawalang preso.
“Once and for all ,lahat ng septic tank, ubuksan natin tapos aayusin na natin ‘yung septic tank kasi punung-puno na e, umaapaw na, nangangamoy na ,” dagdag pa ni Catapang.














