MGA RETIRADONG SUNDALO AT PULIS, UMAALMA SA PANUKALANG “PENSION REFORMS”

ISANG linggo bago ang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan, nagpahayag ng kanilang pagsalungat ang hanay ng mga retirado at mga pensiyonadong sundalo at pulis sa panukalang ‘Pension Reforms” ni Finance Secretary Benjamin Diokno, bagama’t inihayag ng ilang aktibong opisyal ng pulis at militar na susuportahan nila ang nasabing panukala dahil sa umano’y posibleng fiscal collapse bunga ng lumolobong bayarin sa pension ng mga retired Military and Police Uniforms Personnel (MUP)

Ayon kay Col Medel Aguilar, taga-pagsalita ng Armed Forces of the Philippines, “ The issue on the pension system is for our legislators to work on. The AFP will support and cooperate to consultations that may be called by higher authorities or lawmakers to discuss it.”


Isang senior military officer naman ang nagsabing posibleng may mga aangal sa nasabing panukala ni Sec Diokno lalo na duon sa mga mabababang ranggo dahil maliit ang kanilang basic pay at siyempre pa aymaliit din umano ang kanilang pension, kumpara sa mga mataas ang ranggo na magre-retiro pa lamang dahil mataas ang kanilang mga base pay at malaki rin ang kanilang sinahod ng sila ay nasa mga serbisyo pa.

Anang ilang kasapi ng Police Retirees Association Inc. (PRAI): “Bakit ‘yang PENSION FUND ng mga MEN IN UNIFORM ang whipping boy ng ating bureaucracy? We kindly appeal not to equate the JOBs of the MEN IN UNIFORM with that of the other GOVT employees, (with due respect to them) BAKA NAKAKALIMUTAN NINYO na ang PUHUNAN ng mga MEN IN UNIFORM SA PAGLILINGKOD SA TAONG BAYAN at sa Bansa ay ang KANILANG BUHAY.”

Ayon sa grupo, trabaho ni Sec. Diokno bilang siyang may hawak ng finance portfolio na gawan ng paraan at hanapan ng mapagkukunan ng pondo para mabayaran nang tuloy- tuloy ang pension ng mga retiradong MUP na naayon sa pinagtibay na batas, ” ayon sa Sec. 34, RA 8551, amending Sec. 75, RA 6975.


“Are you not aware of the fact that the monthly pension of all 137,649 retirees combined is just a tiny slice of the pie compared to the pork barrel of the politicians in the Senate and Congress, Intelligence Funds of non-intel outfit but having not so intelligent brain, including the millions of pesos you and your equally high profile executives in government are receiving? Not to mention the perks and allowances you are privileged to enjoy etcettera? ayon pa sa grupo.

Inalmahan din ng ilang retiradong law enforcers ang umano’y ‘ridiculous’ na pahayag ng Kalihim hinggil sa matagal na panahong babayaran ang pensioners dahil karamihan sa mga ito ay posibleng umabot ng 90- anyos ang edad dahil sa exercise.


“You are complaining about the life span of the retirees reaching up to 90 years old. Who told you that? The Generals, Admirals, Galvez or Abalos. Maybe because they are only warming their cushion chairs all day long with fat asses. Naturally, they will side with you because if they don’t, they will be thrown out to kingdom come, “ayon pa sa grupo.

“Hindi naman siguro bulag ang ating mga PULIS, mga SUNDALO at ating mga mamamayan Para hindi nila makita ang LIKAS NA YAMAN NG ATING BANSA at ang pera ng mga mamamayan na inaabuso ng mga ilang KURAP na politiko?? Ang totoo nyan AYAW mo lang talaga na maisama kami sa Indexation ng mga active personnel . Noon mo pa yan “TINITIGASAN” panahon pa ni Pnoy. Hindi ka lang umubra kay Duterte kasi mas siga ‘yun kesa syo. Tapos ngayon binuhay mo na naman ulit,” angal pa ng grupo.


Nabatid na pinangangambahan ng mga retirado na muling buhayin o i-refile sa Kongreso ang dalawang panukalang batas na na-archive sa 18th congress dahil kinapos ng panahon na kapwa nagsusulong ng suspension ng ‘INDEXATION PROVISION’ ng pension mula sa sahod ng mga active MUPs.

Naniniwala ang mga retiradong pulis at sundalo na plano ng finance department na huwag silang maisama sa Indexation ng mga active personnel. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)



Tags: Finance Secretary Benjamin Diokno

You May Also Like