TULUY-TULOY ang pagtulong ng tanggapan ni Congressman Joel Chua (Manila, third district) sa mga residente ng kanyang distrito na nangangailangan ng tulong medikal.
Napag-alaman na si Elizabeth Boquiron, na ilang taon nang may iniindang chest pain pero inuuna niya ang kalusugan ng asawa niya, ay natulungan sa pamamagitan ng ‘guarantee letter’ na inisyu ni Rep. Chua.
Nang nagpa-andiogram siya sa tulong pa din ni Chua, doon nadiskubre na may tatlong baradong ugat sa puso at kailangan niya ng bypass surgery sa Heart Center at sa tulong ng guarantee letter ni Cong. Chua, agad siyang na-admit at na-operahan sa Heart Center. Ito ang tunay na kagalingan ng guarantee letter.
Ang street vendor naman na si Reymar Reyes ay humarap din matinding hamon ng chronic kidney disease. Sa araw-araw niyang pagtitinda, hindi sapat ang kinikita niya para kayanin ang napakamahal na dialysis pero hindi sumuko si Reymar.
Mula sa pagpa-padiagnose pa lamang ay nakatulong na ang guarantee letter na ibinigay ni Cong. Chua kaya naagapan ang operasyon at agad siyang nakapagsimula ng libreng dialysis.
Naipasok din siya ng tanggapan ni Cong. Chua sa libreng dialysis program nito at ani Reyes, malaking ginhawa ito sa kanilang gastusin.
Ani Rep. Chua, “mula check-up, treatment, hanggang sa gumaling ay kasama ng pasyente ang kanilang Congressman.”
Nagbibigay din ng tulong ang tanggapan ni Rep. Chua sa mga pasyenteng nangangailangan ng dialysis, bukod sa nagde-deliver ito ng libreng wheelchair sa mga physically-handicapped na residente ng distrito tres.














