Latest News

GRANADA SA KALYE SA SAMPALOC, LUMIKHA NG PANIC

Nagkaroon ng panic sa mga residente ang natagpuang isang granada na nakalagay sa isang plastic kahapon ng umaga sa Dapitan corner Antipolo Streets sa Brgy. 509, Sampaloc, Maynila.

Sinabi ng Manila Police District -Police Station 4 na alas- 10 ng umaga nang madiskubre ni Carlito Ocampo y Manansala, 50 , negosyante at taga Block 36, Lot 7, Northvill 4A Brgy. Lambakin Marilao, Bulacan, ang granada na nakalagay sa Isang plastic bag.

Nabatid na umiihi umano si Ocampo sa gilid ng SJNjs General Merchadising Building nang makita ang plastic at dahil sa kuryosidad ay tiningnan ang laman ng plastic at dito niya nakita ang granada.


Kaagad niya itong ipinaalam sa security guard ng SLEX/NLEX/SKYWAY Project na si Jhanry Fernandez y Marijuan, male, 25, security guard at SLEX/NLEX/SKYWAY Project na siyang tumawag sa SIBAMA Police Community Precint na tumawag naman sa MPD-EOD. (Carl Angelo)

Tags: Manila Police District-Police Station

You May Also Like

Most Read