Latest News

MGA RESIDENTE MALAPIT SA BULKANG TAAL, INILIKAS NA

UMAABOT na sa mahigit 200 pamilya, na binubuo ng mahigit na 700 katao ang inilikas na sa ilang Barangay sa bayan ng Agoncillo bunsod pa rin ng muling pag aalboroto ng bulkang Taal.

Batay sa facebook page ng Agoncillo na Magandang Agoncillo, ang mga inilikas ay mula sa mga Barangay ng Banyaga, Subic Ilaya, Subic Ibaba at Bilinbiwang.

Ito rin ang mga barangay na pinakagrabeng napinsala noong pagsabog noong Enero 2020.


Agad namang rumesponde at naghanda ng mga kakailanganing tulong sa paglilikas sa mga apektadong residente ang mga bayan ng Balayan, San Luis, Lemery, Padre Garcia at Batangas City,

Ang mga inilikas ay dinala na sa mga evacuation center at sa municipal gym ng Agoncillo, Batangas.

Ang bayan ng Agoncillo ay nasa southwest side ng Taal volcano island at isa sa pinakamalapit na bayan sa crater kasama ng Bayan ng Laurel. (VICTOR BALDEMOR)


Tags:

You May Also Like

Most Read