MGA RALIYISTA KINASUHAN NG PNP, KAUGNAY NG KARAHASAN SA BONIFACIO DAY

By: Victor Baldemor Ruiz

KINONDENA NG National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang marahas na kilos-protesta na pinaputok ng mga militanteng grupo sa pangunguna ng All Workers Unity kabilang ang Kilusang Mayo Uno at ilang transport group.

Pinapurihan naman ng NTF- ELCAC Undersecretary Ernesto Torres, Jr., Executive Director, ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapairal ng maximum restraint sa hanay ng mga rallyista na naging mga bayolente sa isinagawang Bonifacio Day protest sa kahabaan ng CM Recto Avenue sa Maynila, na ikinasugat ng walong pulis.

Ayon kay USEC Torres, iginagalang ng lahat ang constitutional rights ng bawat Pilipino sa ‘freedom of expression’ at ‘peaceful assembly’ subalit ang inasal ng mga demonstrador ay tahasang pang-aabuso sa nasabing karapatan.


Isa sa walong nasaktan ay dumanas ng serious eye injury, at may ilan ding ralyista ang nasaktan bunsod ng kaguluhan .

Agad na isinisi ng mga tagapagsalita ng grupong Bayan Muna, Gabriela Women’s Partylist, at Anakbayan sa PNP ang kaguluhan. Ito ay sa kabila ng mga video footages na sila ang naging marahas umano sa pagpipilit na lansagin ang police line.

“This unfortunate incident once again exposes that the organizers’ true intention was not to peacefully commemorate the birth of a national hero, but to provoke violence and grab headlines,” ani Torres.

Nakapaghain na ng patong-patong na kaso ang Philippine National Police (PNP) laban sa mga indibidwal na nanakit sa mga pulis sa protesta sa Mendiola noong Sabado kaugnay ng Bonifacio Day.


Ayon kay PNP Public Information Officer (PNP-PIO) Chief Brigadier General Jean Fajardo, isa ang naaresto habang at-large naman ang lider ng Kilusang Mayo Uno at kabilang din sa sinampahan ng kaso ang ilang John Does.

Mga kasong paglabag sa BP 880 dahil sa kawalan ng permit na mag-rally sa Mendiola ang isinampa, maliban pa sa kasong direct assault at disobedience to a person in authority.

Iginiit ng opisyal na hindi sila papayag na walang mananagot sa insidente, kung saan bukod sa pananakit sa mga pulis ay ninakaw pa umano ang body-worn camera ng isang pulis na hanggang ngayon ay hindi pa rin nababawi.


Tags: National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC)

You May Also Like

Most Read